Actor tameme sa iskandalo ng dyowa

tonite-pak-allan-diones

Pinagpiyestahan sa social media ang diumano ay Snapchat scandal video ng isang aktres.

Dahil ang messaging app na Snapchat ang ginamit sa video, maiiksi lang ito kaya series of short clips ang makikita sa kumakalat na video.

In fairness ay kamukha talaga ni actress ang babae sa nasabing video kaya ang dami agad nagreak at sinabing legit ito.

Ayaw naming husgahan agad si actress at gusto namin siyang bigyan ng benefit of the doubt, na hindi siya ‘yung babaeng nasa scandal video.

May nakita kaming collage ng pics na patunay daw na pareho ng tattoo ‘yung girl sa video at si actress. May collage din na ang suot nu’ng babae sa vid ay katulad ng suot ni actress sa pics nito.

May netizens naman na kumontra at pinagkumpara ang naturang photos. Ang verdict nila ay magkaiba ng kilay si actress at ‘yung babae sa video.

Magkaiba rin daw ‘yung suot ng mga ito, magkaiba rin ang puwesto ng tattoo nu’ng dalawa at iba pang detalye ng pagkakaiba.

Maging ‘yung araw at oras na naka-stamp sa Snapchat vid ay kinukuwestyon nila dahil alam daw nila kung nasaan si actress nu’ng eksaktong araw at oras na ‘yon.

Galit na galit naman ang ilang supporter ni ­actress dahil natuklasan nila na kapwa babae pa raw nito ang nagpapakalat at nagsi-share ng nasabing scandal video.

May mga nabasa rin kaming comments ng netizens na kinokondena ang ayon sa kanila ay ‘cyber bullying’ na ginagawa ng ibang tao kay actress.

Talak ng isang nag-comment, “It’s funny how people are shaming Duterte for joking about rape cases, detesting rapists whenever rape cases arise and saying yes to death penalty and no to cyber bullying but are asking for a young star’s video scandal and slut shaming her. Toxicity at its finest.

Hypocrites!”

Ang tindi rin kasing makapanghusga ng ibang tao, na ganu’n na lang kung laitin nila si actress kahit hindi pa naman nila napapatunayang siya nga talaga ang nasa video.

Hindi namin sure kung aware na si actress sa kontrobersyang ito na pumutok online, pero as of kahapon ng hapon ay wala pa itong reaksyon hinggil sa malaswang isyu.

Maging ang actor boyfriend ni actress ay wala pa ring reaksyon dito.

Pero knowing him, ipagtatanggol ni young actor si actress dahil ma-hanash din ito sa social media at mapagpatol sa fans, lalo na kung hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng netizens.

PAK!!

***

Agot proud sa bagong lover

Very open na si Agot Isidro sa bago niyang lovelife.

Ang senatorial candidate na si Florin ‘Pilo’ Hilbay ang nobyo ng actress-singer.

Una naming napansin ‘yon sa isang post ni Agot sa Facebook a few days ago nang batiin niya si Pilo sa birthday nito.

“Happy birthday Pilo, my senator,” ang caption ni Agot na may kasamang heart emoji, sa sweet pic nila ni Pilo na kita mong happy silang dalawa sa isa’t isa.

Pinost din ng 52-anyos na aktres ang ilang pics na kuha sa 45th birthday celebration ng isa sa walong kandidato ng Otso Diretso.

“Happy birthday. So proud of you,” ang sey naman ni Agot sa tinweet niyang pic ni Pilo.

Sa guesting ni Agot sa bagong campus radio program ng kaibigang Noel Ferrer ay inamin nito na may relasyon nga sila ni ­Hilbay, na isang abogado at naging Solicitor General ng bansa nu’ng 2014 to 2016.

Sa Tondo pala pinanganak si Pilo, na nagtapos ng Economics sa UST, kumuha ng Law sa UP Diliman, naging topnotcher sa bar exam, at nag-Masters sa Yale.

Bago pa lang daw ang relasyon nila, sabi ni Agot, pero two years na silang magkakilala at nirerespeto nila ang isa’t isa.

Obviously ay bet ni Agot ang lalaking matalino at may prinsipyo, hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo.

Parang ngayon lang ulit nagka-lovelife ang mahusay na aktres at singer kaya masaya ang mga kaibigan niya para sa kanya.

Halos isang dekada nang hiwalay si Agot sa dati niyang asawa na si Manu Sandejas na pinakasalan niya nu’ng taong 2000.