BAGETS pa si pogi nang pasukin niya ang pag aartista.
Dahil may koneksyon, hindi siya nahirapan sa pagpasok.
Unang sabak, sa movie agad. Dahil nga bago, bano kung umakting.
Next, TV naman. Ganu’n pa rin. Wooden acting at may mannerism pa na nagpapa pungay ng mga mata at wet lagi ang lips.
Sumikat kahit paano si pogi. Nagdrama, nag-action at nagpa- sexy.
Nagbilang siya ng girls pero lahat, hiwalay ever.
Na-lost in space siya sa showbiz for a while. Pagbalik, kontrabida ever na ang role niya.
Then, eto na … enter the dragon sa politics. Win siya!
Ang saya-saya!
Ininterbyu siya ng mga taga-TV. Unang buka ng bibig, English Only Please!
Q&A na ang mga tanong eh Tagalog, banat na naman si kuya ng language ni Shakespeare.
Hala! Sige! English pa more with matching papungay ng eyes at wini-wet ang luscious lips.
My nagtanong ng English, na may twang at accent pa.
Kuda ni kuya, “Well… Let’s say … Actualy, you know…”
Huminga nang malalim si kuya hanggang sa parang nahihilo na siya at nanunuyo ang lalamunan…
Aba! Biglang nag-Tagalog si kuya!
Dire-diretso ang hanash!
goma