SIKAT, gandara, yayamanin si ate… pero bakit hirap na hirap siyang maglabas ng pera?
Noong kabataan ni ate, nakitaan agad siya ng potential energy na mag-artista.
Galing si ate sa magandang paaralan. Mabilis niyang na-penetrate ang television industry.
Magaling din siyang magsalita lalo na sa English. No wonder, left and right ang shows niya. May umaga, may gabi.
Kinuyog siya ng manliligaw. As in PINILAHAN (parang ako lang)!!!
Nakailan siyang jowa. In the end, isang kilalang host ang nagpatibok ng kanyang puso.
Pero hindi niya tinalikuran ang showbiz. Nagka-movie pa at nakapag-record ng kanta.
Naputol ito nang nabuntis siya.
Right after ng pag-iri ng baby love, work siya ulit kahit ayaw na ng jowa niya.
Mapilit si ate at lumipat ng tv station. Sa morning show siya isinama at doon nagsimula ulit ang mga ex-deal niya….
Pagkain, damit, sapatos, gamit sa bahay, pabango, shampoo, sabon at marami pang iba.
Sa show nila sa umaga, kapag may give aways, inuunahan niya ang mga P.A., janitors & staff sa pagharbat.
Pati foods na niluluto sa show, ibinabalot nya.
‘Pag may product interview, hinihingi niya agad-agad ang pag-uusapang product kesehodang mahal ito.
Kaya pag-uwi niya, hindi magkandaugaga ang alalay (alias aleli abadilla) sa dami ng ilalagay sa kotse.
Minsan, sa dami ng miting na dinadaanan niya bago umuwi ng bahay, ang mga ulam na pinitik ni ate eh napanis na.
Ito pa ang nakaka-lucrezia borgia na gawi niya and you better watch out!
Huwag n’yo siyang ipapakilala sa friend ninyong yayamanin at may mga business.
Or else… magugulat na lang kayo at nakuha na niya ang # ng kausap ninyo, at siniraan pa kayo!!!
Sa ngayon, hindi pa nawawala sa eksena si ate. Namamayagpag pa siya sa kanyang mga gimik at raket.
Nasa-sight pa siya sa FB & IG na rubbing elbows with the yayamanin creatures.
Iyun na!