Adam Silver good job sa pagsuspinde ng NBA

Tuluyan nang sinuspinde muna ang mga laro ngayong NBA season dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Una nang nagpositibo sa virus si Utah Jazz big man Rudy Gobert.

Matapos nga ito magpositibo ay agad na nag-quarantine ang buong Utah Jazz at ang mga nakalaro nitong team sa loob ng dalawang linggo.

Ang mga team ay Cleveland Cavaliers, New York Knicks, Boston Celtics, Detroit Pistons at Toronto Raptors.

Sa mga Jazz player, ang nagpositibo rin ay si Donovan Mitchell.

Nagbiro pa si Rudy Gobert nang hawakan nito ang mga mic sa kanyang interview bago ianunsiyong siya ay positibo.

Hindi rin ito pinagmulta sa kanyang aksiyon.

Good job ang ginawang pagsuspinde sa mga laro ni NBA commissioner Adam Silver.

Boring man para sa mga basketball fan na walang mapanood, kailangan unahin ang kalusugan at safety ng bawat manlalaro, pati na ng mga fan.
Lalo pa’t inanunsiyo na ng World Health Organization na pandemic na ang COVID-19, dahil apektado na ang higit 114 bansa sa buong mundo.

Dahil pandemic na, hindi lang NBA kundi iba’t ibang liga rin sa buong mundo ang nagkansela muna pansamantala ng mga laro.

Patuloy lang na magdasal sa kaligtasan ng lahat, at sana’y tuluyan nang malampasan ang krisis na ito.

***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!