Adams, Go For Gold lumapit sa playoffs

Kumamot si Roosevelt Adams ng 21 points at 17 rebounds upang tambakan ng Go For Gold-CSB Scratchers ang AMA Online Education Titans, 101-91, at palakasin ang tsansa sa 9th PBA D-League 2019 eliminations nitong Martes sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Agapayan sa nasabing kakuwadra nila sina Robi Nayve at Carlo Young ng 19 at 13 markers para makalmot ng Scratchers ang fouth straight win at samahan sa ikaapat na puwesto ang bakanteng Petron sa parehas na 5-3 win-loss record.

“I think we just got off to a bad start. Medyo slow start kami, but we picked it up and we’re playing much better,” suma ni coach Charles Tiu, patungkol sa 7-0 run ng batalyon niya para makalayo ng siyam sa final quarter.

Nasa kontender pa rin ang Valencia City San Sebastian Stags (6-1) na sinuwag ang Metropac Movers-San Beda Red Lions (6-2) sa double overtime , 96-92, likod ng 32 points, eight rebounds, at tig-five assists, at steals ni Allyn Bulanadi.

At ang Cha Dao FEU Tamaraws (5-3) na kinamao ni Branrey Bienes sa 25 pts. para malantakan ang Gerry’s Grill Diliman College (4-4), 88-81.(Fergus E. Josue, Jr.)