Parang hindi pinagpawisan ang FEU nang madaliing gapiin ang Adamson 25-9, 25-20, 25-11.

Umarangkada sa Lady Tamaraws si Toni Rose Basas na nagpakawala ng 16 points, nag-ambag sina team captain Remy Palma at Bernadeth Pons ng tig-10.

Nanganib ang FEU sa second set 9-5, bago nabuhayan ng dugo at kumubra ng walong sunud-sunod na puntos para kunin ang kalamangan 13-9.

Hindi na hinayaan ng Lady Tams na makakuha ng kumpiyansa ang Lady Falcons at sinuwag na ang naghihingalong kalaban.

Dahil naman sa frustration at pagkadismaya ay hindi napigilan ni Adamson coach Airess Padda na magmura sa timeout.

“Am I expecting too much out of you?” tanong niya kay Joy Dacoron, na umiling ng “no”.

“Well then, do your f*ck!ñ’ job! I’m sick of it!” pasigaw na sabi ni Padda.

Agad naman humingi ng tawad ang American coach dahil sa kanyang nasabi pero aniya ay masyado lang siyang frustrated kaya siya nakapagbitiw ng ganoong salita.

“I do and I actually apologized to Joy for cussing out her, I didn’t mean to. But I’m very frustrated, disappointed,” aniya. “The coaches still believe that we can win, but it’s just frustrating because sometimes, they don’t believe that they can win.”

“I think most of the time, they believe that they are not gonna win. They accept the loss before it even happens,” pahabol nito.

Gumawa ng seven points si Tema Galanza para sa Adamson na nanatiling winless sa siyam na laro.