Sinaklot ng Adamson University Baby Falcons ang isang upuan sa Final Four matapos kalawitin ang 79-73 panalo laban sa Ateneo Blue ­Eaglets kahapon sa UAAP Season 79 juniors basketball sa FilOil Flying V Centre.

Muntik malusaw ang 26 puntos na pinundar ng Baby Falcons nang umiskor lang ng 11 sa fourth quarter, pero kinapos ang Blue Eaglets sa kanilang rally.

Tumikada si Encho Serrano ng 15 points, four rebounds at two assists, may tig-13 markers sina Rence Padrigao at Jason Celis para sa Baby Falcons na nasolo ang unaha­n kapit ang 9-1 karta.

Nalasap naman ng Ateneo ang fifth loss sa 10 laro pero nanatili sa fourth place.

Namuno sa opensa ng Ateneo si SJ Belangel na may 18 points, six rebounds, nagdagdag si Joaquin Manuel ng 14 markers.

Muling nanggulat ang Far Eastern University-­Diliman, tinaob ang defending champion­ National­ University Bullpups 61-46 para pala­kasin ang tsansa sa susunod na round.

Kasalo ng Baby Tamaraws ang Bullpups sa ­second spot sa 8-2 cards.

Bumanat si Xyrus Torres ng 20 points para sa FEU na unang binulaga ang Adamson U noong nakaraan.

Nakasigurado ng F4 slots ang FEU-Diliman at NU nang talunin ng ­University of Santo Tomas ang UP Integrated School, 91-83, sa last game.

Sa pambungad na sultada, dinemolis ng De La Salle-Zobel ang UE, 81-59, para akbayan ang UST at UPIS sa fifth sa 3-7 cards.