Kampante lang muna sa sidelines ang Adamson University, panonoorin ang anim na teams na unang sasalang sa ope­ning day ng UAAP Season 79 football competitions ngayong Sabado sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nakakuha ng ope­ning day bye ang defending champion Lady Falcons at sa Lunes ng alas-nuwebe ng umaga pa sasalang laban sa NU.

Babasagin ang hostilidad sa paluan ng last season’s runner-up UST at Ateneo sa 8 a.m., De La Salle kontra NU sa 10 a.m. kasunod ang bakbakan ng UE at UP sa 12 noon.

Natapos ang nakaka­bilib na 73 consecutive wins ng Adamson noong nakaraang season pero sa championship ay kinalos pa rin sa tatlong laro ang Tigresses para dagitin ang pang-anim na sunod na korona.

Natapos na ang tour of duty sa Lady Falcons nina aces Queeny Sabado at Annalie Benjamen.

Sa baseball, uumpisahan ng DLSU ang pag-depensa sa korona laban sa UP sa Linggo sa Malate venue rin.