Apat na taon nang umeere ang remake ng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng ­aktor na si Coco Martin. Isa itong patunay na napakalaki pa rin ng impluwensiya ni Fernando Poe Jr. sa publiko kahit 15 taon na itong namayapa.

Inspirasyon pa rin si FPJ ng mga artista ngayon. Patuloy na ­tinatangkilik ang kanyang mga pelikula sa telebisyon kahit ilang dekada na ito pinalabas. Kumbaga, hindi pinagsasawaan ng ­publiko ang kanyang mga pelikula.

Makamasa kasi ang takbo ng mga ­pelikula ni Da King. Nakatuon sa pagmamahal sa pamilya at ang pagtatanggol sa mga api. Nandyan din ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces na nananatiling inspirasyon sa mga ordinaryong Pinoy. Tumatak sa mga manonood ang ­kanyang karakter sa Ang Probinsyano ­bilang Nanay Flora.

Dito pinapakita ng karakter ni Nanay Flora ang katapangan, kasipagan, pagmamahal, pagiging matulungin at paglaban para sa katarungan. Ang anak naman nilang si Senador Grace Poe ay patuloy sa pagtupad sa hindi natapos na misyon ng kanyang ama.

Kabilang sa ipaglala­ban ni Poe ay ang malapit sa puso ng mga ­Pinoy tulad ng kalbaryo ng mga manana­kay, partikular ang sangkaterbang aberya sa MRT. Patuloy pa rin kasing naghihintay ng magandang serbisyo ang publiko.

Hindi rin ­isinusuko ng senadora ang paghahanap ng ­hustisya sa sinasabing nangyaring dayaan noong 2004 presidential elections kung saan natalo ang kanyang ama at ­sinasabing dahilan ng kanyang ­pagkamatay noong Disyembre 14,2004.

Tandem ang mag-inang Susan at Grace sa pagpapatuloy ng adbokasya ni FPJ at naniniwala tayong ito ang gusto ng sambayanang Pilipino.

***

Pangungunahan ni Sen. Poe ang selebrasyon ng Senado sa ika-30 anibersaryo ng United Nations Convention of the Rights of the Child at sa National Children’s Month mula Nobyembre 25 hanggang 28. Natutuwa ang senadora sa pagsasama-sama ng mga grupo para isulong ang kapakanan ng mga bata.

Katuwang kasi ng tanggapan ni Poe ang Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation, ­Children’s Rights Network, ­UNICEF at Save the Children.