Inihayag ni Adele nito lamang Biyernes ang pakikipaghiwalay sa asawang si Simon Konecki. Nauwi sa wala ang walong taon nilang pagsasama.

Laking gulat ng kanyang mga tagasuporta dahil ngayon ay sinasabi ni Adele na handa na ulit siyang makipag-date. Interesado raw siyang makipagkilala sa mga lalaking Amerikano.

Ang superstar singer, 30, ay diretsahang umamin na ‘nasasabik’ na siyang makahanap ng bagong pag-ibig. Nais niyang hanapan siya ng mga kaibigan ng bagong makakarelasyon.

Si Adele ay nasasabik na makahanap ng panibagong pag-ibig. Para siyang bumalik sa pagkadalaga na kinikilig at umaasam na may bagong manliligaw sa kanya. Mukhang mabilis siyang nakapag-move on. Tanggap na niyang wala na sila ng dating asawa. Wala na rin na siyang planong makipagbalikan pa dito.
Plano ng mahusay na mang-aawit na sa London na manirahan para maging malapit sa kanyang ina (Penny Adkins) at sa anim na taong gulang na anak na si Angelo.

Si Adele ay may balak mag-record ng isang bagong album sa New York. Kakaunti lang ang nakakaalam na si Konecki ay 14 na taon na ang tanda sa kanya. Very vocal ang singer sa kagustuhang magkaroon ng malaking pamilya. Hindi man niya diretsahang tinumbok ay gusto niyang sabihing gusto pa niyang magkaanak muli.

“My womb is starting to ache a little bit,” pag-amin niya. “It’s like, ‘Baby, baby, baby. Need a baby.’ I’m not pregnant. I won’t get pregnant until the end of the tour,” paulit-ulit na sinabi ni Adele. (Lourdes Fabian)