Kilala sa music industry na very private ang buhay ng singer na si Adele. Pero hindi siya nalalayo sa mga tagahanga na nag-e-enjoy kapag gustong-gusto ang ginagawa ng kanilang idolo. Kamakailan ay hindi itinago ni Adele ang pagka-fan girl.
Hangang-hanga siya sa performance ni Beyoncé na ginanap sa Coachella Festival kamakailan kung saan ang former Destiny’s Child singer ang sobrang nag-level up.
Wala si Adele sa Coachella, pero napanood sa live video ang naturang event lalo na ang historic performance ni Beyoncé. Nag-enjoy siya habang pinanood ito. Nang hindi nakatiis nagbihis siya na ala-Beyonce attire at nagsasayaw sa kanilang living room. Pinakita rin ng Hello singer ang kanyang twerking skills. Nag-twerk na nag-viral sa social media.
Hindi itinatago ni Adele na favorite niya si Beyoncé. Katunayan hangang-hanga siya sa acceptance speech ng singer nang tanggapin ang 2017 Grammy Awards Album Of The Year. Ang panggagayang ginawa ni Adele kay Beyoncé ay ginawa rin niya noon kay Dolly Parton kung saan avid fan din siya ng boobsie singer.
Samantala, aside sa singing ay isa na ring ordain si Adele. May lisensya na siya para magkasal na ginawa niya kamakailan. Kinasal niya ang kaibigang comedy actor na si Alan Carr sa long-time boyfriend na si Paul Drayton. Sa garden ng bahay ni Adele kinasal ang dalawa. Hindi lang si Adele ang nagkasal sa kanila, kundi siya din ang gumastos sa lahat.
Maging ang kasal sa Trainwreck actress na si Amy Schumer sa chef na si Chris Fisher ay si Adele dapat ang mag-o-ordain. Pero, bandang huli ay biglang nag-back out ang singer.
Ayon kay Amy nagbago ng isip ang British singer.
Ang plano raw kasi ng biglaang pagpapakasal ay nadaan sa usapan habang sila ay nag-iinuman kasama ang actress na si Jennifer Lawrence. Mismong si Adele daw ang nag-offer na pwede niyang ikasal ang dalawa. Pero, kinabukasan nag-text daw si Adele na hindi niya maikakasal ang dalawa.
In the end nakasal din si Amy sa four months pa lang niyang boyfriend, pero hindi na si Adele ang nag-ordain.