Isang umano’y adik ang naaresto ng mga pulis habang nakatambay sa harap ng isang tindahan samantalang limang iba pa ang nasakote rin sa buy-bust operation sa Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Tolentino, 48; Venus Villagracia, 35; Mark Anthony Guareno, 32; Rosalie Yankee, 42; Vilma Ubas, 50; at Teofren Lomoloy, 36.

Base sa ulat, namataan ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 habang nakaupo sa harapan ng isang sari-sari store malapit sa riles ng tren sa Antipolo at Elias Sts. sa Sta. at nahulihan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Kasunod na naaresto sa buy-bust operation naman ang iba pang suspek sa panulukan ng Tagumpay St. at Road 10. Nahulihan sila ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P1,200.