Isang beteranong aktor na matagal nang pinagsususpetsahang gumagamit ng droga ang kusang-loob na sumurender sa Meycauayan City police station upang linisin ang kanyang pangalan na matagal na siyang hindi gumagamit ng droga bagama’t nasa listahan ito ng Barangay Anti Drug Abuse Council(BADAC).
Sumuko noong Lunes ang kilala at premyadong aktor na si Julio Diaz, residente ng Barangay Langka, Meycauayan City kay P/Supt. Lailene Amparo, Meycauayan City police chief, upang linisin ang kanyang pangalan at igiit na huminto na siya sa masamang bisyo taliwas sa listahan ng kanilang lugar.
Ang aktor na si Diaz ay idiniin ng mga Barangay Officials na gumagamit ng shabu at maraming nagpapatunay dito kaya isinama ito sa drug watchlist sa kanilang lugar kungsaan bagama’t iginigiit nitong tsismis lang ang isyu laban sa kanya, tiniyak ng city police na tututukan nila ang aktor at ipapasailalim sa Oplan Tokhang kapag hindi nagbago.
Ang aktor na si Diaz ay sumikat noong dekada 80 at nagkamit na rin ng maraming parangal bilang character actor ngunit sinasabing nalulong ito sa masamang bisyo at ‘public knowledge’ sa kanilang lugar at karatig-pook na gumagamit ito ng drugs kaya isinama sa drug list sa kanilang lugar.
Gayunpaman, tiniyak ni P/Supt.Amparo, isang sharp-shooter na police officer at maraming beses nang napalaban sa masasamang-loob sa mga police station na kanyang nadestinuhan sa Bulacan, na tututukan nito ang kaso ng aktor at naniniwala naman ito na tuluyan nang tatalikuran ang paggamit ng drugs.
kaya nga sumuko para makapagbagong buhay,tulungan na lang natin gumaling
BOSS MATANDA KA NA ..KAYA TUMINO KA NA PARA YUNG HULING BEYAHE MO SA LANGIT NA!!!