Adik sa Nueva Ecija tumimbuwang

SAN LEONARDO, Nueva Ecija — Patay noon din ang isang 41-anyos na drug personality makaraang makaengkuwentro ang mga pulis noong Huwebes sa Brgy. Nieves dito.

Ayon sa ulat, nakilala ang napaslang na si Vincent Wagan Soliman, may-asawa, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Sa imbestigasyon ni PO3 Freddie Sevilla, dakong alas-sais ng gabi nang dalhin ng mga pulis ang search warrant sa tahanan ni Soliman na biglang bumunot ng baril at saka nagpaputok na agad tumimbuwang ng rat­ratin din ng mga awtoridad.

Nakarekober sa lugar ng krimen ng kalibre .38, tatlong basyo ng .9mm at sampung sachet ng shabu.