Adios 2018, trapik isyu pa rin

motorista-ismael-amigo

Kahit lumipas na ng isang araw ang Pasko, nais pa ring batiin ng Moto ­Rista ang lahat ng ­motorista ng Merriest and Blessed Christmas

Ilang araw na lang ang natitira sa taong 2018 at papasok na ang 2019 ng panibagong pag-asa at pakikibaka.

Maraming kaganapan ang mangyayari sa bagong taon. Una na rine ang 2019 midterm elections. Maraming new kids in town ang maaaring magwagi rito at marami ring pwedeng maiwan at mamalagi sa poder mula pagkasenador hanggang sa mga konsehales.

Ngunit ang masaklap dine ay ang napakalaking posibilidad na mamalagi pa rin ang trapik sa lahat ng siyudad sa pangunguna ng EDSA.

Super luwag kahapon magpahanggang nga­yong araw at tiyak ‘yan hanggang Dec. 30 ang mga lansangan ngunit umiwas na muna kung maaari magmaneho sa Dec. 31 at tiyak ‘yang heavy trapik.

At buong katiyakan, trapik pa rin sa susunod na taon lalo’t kabi-kabila ang road reblocking sa lahat ng lansangan at election time.

Siyempre, kailangang bumuhos ang construction budget upang magkapondo sa halalan.

Ang maganda lang na balita ay medyo matatagalan pa ang pamamalagi ng mababang presyo ng langis.

Sanhi ito ng overproduction ng Iran pati na ng Estados Unidos.

Asahan na muling iigkas ang presyo ng kala­ngisan sa kalagitnaan pa ng 2019.

Para sa kaalaman ng lahat, bilyon ang nawawalang halaga sa trapik.

Isipin na lamang kung ilang makina ang umaaandar nang sabay-sabay at nagsusunog ng langis habang nasa gitna ng trapik.

Sa bawat isang oras, hanggang 1 milyon bariles ang kinukonsumo nang walang laban ng mga sasakyan na nasa trapik.

Kung kaya’t nararapat lamang na masolusyunan nang agaran sa 2019 ang problemang ito.

To God be the glory!