Tablado sa Kamara ang payo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa mga government employees na sumakay na lang sa Uber at Grab kesa bumili ng sariling sasakyan.

Mismong ang chairman ng House committee on transportation na si Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ay hindi sang-ayon sa payo ni Diokno dahil hindi pa rin aniya luluwag ang mga kalsada sa ideya ng Kalihim.

“Secretary Diokno is just being practical in advising the use of uber n grab instead of buying new cars. Convenient to the users and traffic friendly… But if more will patronize these uber n grab – it might encourage the deployment of more cars to meet the rising demand for it and the effect might be the same,” ani Sarmiento.

Ang pinakamabisang paraan pa rin aniya para maresolba ang problema sa trapiko ay pondohan at bilisan ang pagpapatayo ng mass transport system dahil ito lang ang pipigil sa mga tao na bumili ng mga sasakyan.

Ganito rin ang paha­yag ni House committee on metro manila development chairman Winston Castelo ng Quezon City na hindi rin pabor sa payo at ideya ni Diokno sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.