Afghan cleric arestado sa pagpapakasal sa 6-anyos

man-handcuffed

KABUL, Afghanistan — Inaresto ang isang Afghan cleric dahil sa pagpapakasal sa isang 6-anyos na batang babae.

Ayon sa suspek na si Mohammad Karim, 60-anyos na nakakulong sa lalawigan ng Central Ghor, iniregalo umano sa kanya ng mga magulang bilang ‘religious offering’ ang paslit na ikinagulat ng pamilya ng bata dahil dinukot umano ito sa western Herat province na hangganan ng Iran.

“This girl does not speak, but repeats only one thing: “I am afraid of this man”,” ayon kay Masoom Anwari, head ng women affairs department sa Ghor.

Ang bata ay kasalukuyang nasa woman’s shelter sa Ghor at susunduin na ito ng mga magulang pabalik sa kanilang lalawigan.

Nakapiit na si Karim habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa kinasasangkutan nitong kaso.

“This is such a fundamental breach of a child’s basic rights,” ayon sa Save the Children.