Nagbanta ang isang mambabatas na bubusisiin nito nang husto ang 2018 budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasiguro na walang pondo na mailalaan para sa alok na reward sa mapapatay o mahuhuli na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat matiyak ng Kamara na walang mapapabilang sa DND at DILG budget para sa ganitong murderous acts.
“If allowed, it is like giving incentive to kill more Filipinos who are just fighting for their rights. The best approach for this is to push for the resumption of the peace negotiations and the signing and proper implementation of the agreements between the two parties,” paliwanag ni Zarate.
Aminado si Zarate na hindi kapani-paniwala ang ginawang pagtanggi ng AFP na hindi nila polisiya na magbigay ng reward at walang katotohanan na nag-alok ng P100,000 bounty ang AFP para sa bawat NPA member na mahuhuli dead or alive, bagkus ang reward umano ay alok ng lokal na pamahalaan na nais lamang tumulong sa kampanya ng militar sa organized groups gaya ng NPA.
Ani Zarate, malinaw na nagtatakip lamang ang AFP.
“The military and police have been doing this for a long time and has in fact issued order of battles and bounty lists like the Department of National Defense (DND) and the Department of Interior and Local Government (DILG) Joint Order No. 14-2012 during the time of Pres. Benigno Aquino III which lists alleged ‘235 wanted communists’ with a total monetary reward of P466.88 million,” pahayag ni Zarate.
Bukod umano sa pagkakitaan lamang ng mga tiwali sa military ang ganitong polisiya ay labag din ito sa Konstitusyon.