AFP kampeon sa UNTV Cup

Umukit ng kasaysa­yan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Cavaliers nang maging kauna-unahang three-time champion sa UNTV Cup, winalis sa best-of-three finals series ang Senate Defenders Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumida sa AFP Cavaliers sa serye sina Jerry Lumongsod, Darwin Cordero at Boyet Bautista sa Game 2, 88-78, sa harapan ng humigit-kumulang sa 10 nagmiron sa sultada.

Namayagpag din ang Cavaliers sa Game 1, 76-73 at lalo pang tumindi sa last game kung saan hinirang bilang Finals MVP si Lumongsod na umiskor ng 26 points, tigatlong assists at steals at isang rebound.

Humarabas din para sa AFP si Cordero na may 19 points at Bautista na naka-18 markers.

Makakatanggap ng tumatagingting na P4 milyon ang AFP be­neficiary na AFP’s Education Benefit Systems Office sa pagkapanalo ng team.
May P500,000 naman ang Cavaliers mula kay UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon