Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatalima sila sa unilateral ceasefire na idineklara ng gobyerno.
Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, handa ang AFP na ibalik ang operational guidelines para sa lahat ng units ng Sandatahang Lakas.
Sinabi ni Padilla na makasisiguro at makaaasa ang sambayanan na tutugon sa guidelines ang buong puwersa ng AFP.
“Handa po kami sumunod. May instruction na po kami sa mga units na respetuhin natin ito sa mga hakbang na makapagbibigay ng katibayan sa pagsusulong para sa usapin sa pagkapayapaan,” wika ni Padilla.
Gaya ng sambayanan, umaasa ang AFP na tutupad din sa deklarasyon ang kabilang panig para makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.