Bunsod ng mataas na banta sa seguridad ay itinaas na sa red alert status ng Armed Forces of the Philippines ang mga tropa ng militar sa Bicol region.
Una nang nakatanggap ng ulat ang militar at pulisya ng banta mula sa mga komunistang rebelde hinggil sa paiigtinging opensiba laban sa gobyerno.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nakaalerto ngayon ang 100% ng lahat ng kanilang units sa Southern Luzon Command (SolCom).
Sinabi ni Padilla na kailangang bantayan ng SolCom ang ilang mga government project sa rehiyon, tulad ng power at road projects, na karaniwang target ng NPA.
Kamakailan ay umatras ang gobyerno sa ika-limang round ng peace talks sa National Democratic Front of the Philippines dahil sa naturang utos ng CPP sa NPA.