AFP todo-bantay pa rin sa Maute, ASG, BIFF

Wala pang banta ng panibagong eksena ng Marawi siege sa ibang panig ng Mindanao pero ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., hindi nagpapakarelaks ang kasundaluhan at pulis.

“Itong mga anunsyo na nakuha natin nitong mga nakaraan ay proactive announcements natin dahil patuloy tayong nagmo-monitor at nagmamasid.

Pero sa kasalukuyan, nakalatag naman po nang maayos ang pwersa natin kasama ang mga pwersa ng kapulisan ganu’n din ang ibang security partners natin.

Naniniwala kami na angkop ito sa anumang banta na nariyan. Kaya madalas nababalitaan n’yo may mga pagkakataon ng mga sagupaan kasi ak­tibo po ang ating militar at pulis na nagbabantay,” paghahayag ni Padilla sa Mindanao Hour briefing sa Malacañang kahapon.

Kaya naman aniya ang panawagan ng AFP sa lahat ng kababayan sa lahat ng sulok ng kapuluan ay manatiling maging mapagmatyag.

“Dahil tulad nu’ng ating mga inanunsyo­ noong mga nakaraang buwan, mas mainam na­ting mababantayan ang bawat sulok ng ating kapuluan kung ang lahat ng Pilipino ay nagtutulungan.

Kasi ito po’y base sa prinsipyo po ng pagkakaroon ng mas maraming nagmamatyag. Kasi ang bilang po ng pulis at sundalo ay napakalimitado. We only have about 125,000-strong Armed Forces, and a 175,000-strong police. So that’s not even 10% of the population… That’s not even 10% of the po­pulation. Because the population is at… over a hundred million,” dagdag ng AFP official.

Inihayag ng tagapagsalita ng AFP na kung may banta man ng paghahasik ng ligalig at karahasan ay nanggagaling pa rin ito mula sa mga armadong bandido at local terror group.

“The security threat that still comes from the remaining members of the Maute Group in Marawi. Nandiyan pa rin kasi ‘yung BIFF (Bangsamoro Islamic­ Freedom Fighters), ‘yung ASG (Abu Sayyaf Group).

Nandiyan pa rin ang ibang grupo ng mga local terrorist groups… and if you recall, the sizeable force that we faced in Marawi was the combining of forces of these local terrorist groups.

This is not far-fetched that some of their members who are still remaining in the island of Mindanao will want to join forces again to create trouble in certain areas.

These are the kinds of threats that we may face because of the remnants. Hindi pa rin kasi natin nakukuha lahat ‘yan eh. May mga naiiwan pa ring iilan… ‘yun ‘yung mga ibang pwersa na pwede nating… kailangan na­ting bantayan,” paliwa­nag ni Padilla.

Binanggit din ni Padilla ang mga lugar sa Mindanao na mahigpit na binabantayan ng AFP.