Nakarating na sa Africa ang kinatatakutang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma ito ng Ministry of Health ng Egypt matapos isailalim sa pagsusuri ang mga dumating na pasahero galing sa iba’t ibang bansa kung saan mayroong COVID-19 infection.
Ayon kay Ministry of Health Spokesperson Dr. Khaled Mujahid, isang “foreigner” ang nagpositibo sa COVID-19.
Inihayag nito na kanila nang ipinabatid sa World Health Organization (WHO) ang natuklasang kaso ng “foreigner” na COVID-19 carrier.
Ito ang unang kaso ng COVID-19 sa Africa mula nang kumalat ito sa Wuhan City, China noong Disyembre 2019.