After 7 years, Pacquiao nagdaos ng hearing

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng pitong taon, nagdaos din ng public hearing si Sen. Manny Pacquiao bilang chair ng Senate committee on sports.

Sa tulong ng nakahandang script, binuksan ni Sen. Pacquiao ang pagdinig ng komite upang dinggin ang mga plano ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Games and Amusement Board (GAB), Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) gayundin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement Corporation (PAGCOR).

Umalalay naman kay Pacquiao sina Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, Sens. Panfilo Lacson, Sonny Angara, Joel Villanueva at Gregorio Honasan.

Nag-umpisa ang kanyang hearing ala-una ng hapon at natapos ng alas-2:30 ng hapon.

Noong kinatawan ito ng Sarangani ng taong 2010 hanggang 2016, hindi ito nagdaos ng public hearing sa Kamara, bukod pa sa marami itong absent.