Aftershocks ng magnitude 6.0 quake sa Lanao del Sur

Sunod-sunod ang nararanasang aftershocks sa Lanao del Sur matapos tumama ang magnitude 6.0 na lindol doon.

Simula alas-5:30 ng umaga hanggang ala-1:40 ng hapon, nasa mahigit isang dosena na ang tumatamang aftershock sa bayan ng Wao.

Pinakamalakas na aftershock ang naitala kaninang ala-1:01 ng hapon kung saan nagparamdam ang magnitude 4.4 na pagyanig.

Tumama kaninang alas-5:21 ng umaga ang magnitude 6.0 na lindol sa 14 kilometro, kanluran ng Wao, Lanao del Sur.

Malakas ang impact ng lindol dahil isang kilometro lamang ang babaw ng pagyanig.

Intensity VII ang naramdaman sa Wao, Lanao del Sur at Kalilangan, Bukidnon
Intensity IV sa Cagayan de Oro City; Cotabato City; Gingoog City, Misamis Oriental; Matalam, 
North Cotabato; Davao City
Intensity III sa Kabacan, North Cotabato; Maramag, Quezon, Don Carlos, Bukidnon; Lebak, Sultan 
Kudarat 
Intensity II sa Kidapawan City; Koronadal City
Intensity I sa Camiguin, Misamis Oriental

Nakaranas din ng instrumental Intensity II ang Cagayan de Oro City at Kidapawan City.

Inaalam pa ng Phivolcs kung gaano kalawak ang pinsala ng lindol.