Aga, Alice ‘di maitago ang paghanga sa isa’t isa

Twenty seven years ang binilang bago naging posible ang muling pagtatambal nina Aga Muhlach at Alice Dixson. Huli silang nagtambal sa pelikulang “Sinungaling Mong Puso” in 1992 na dinirek ng yumaong premyadong direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Sina Aga at Alice ay muling pinagtambal ng Viva Films sa pamamagitan ng suspense-thriller movie na “Nuuk” na kinunan pa sa Greenland at pinamahalaan ni Veronica ‘Roni’ Velasco. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa darating na November 6, 2019.

Ayon kay Direk Roni, it took them almost two years to finish the movie dahil hindi umano magtugma ang respective schedules nina Aga at Alice na parehong busy ngayon sa kanilang new projects.

Ang nakakatuwa, pareho pang in their middle age sina Aga at Alice noon nang gumawa sila ng pelikula at ngayon ay pareho na silang nasa golden age.

“Napakaganda pa rin ni Alice,” bulalas ni Aga na agad namang binalingan ni Alice ng “Napa-guwapo pa rin hanggang ngayon ni Aga”.

Imelda Papin ikukuwento ang pinagmulan sa concert

Malapit na ang October 26 para sa kauna-unahang major concert sa 55,000-seater Philippine Arena ng kaisa-isang Jukebox Queen at Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin na pinamagatang “Imelda Papin: Queen at 45 Anniversary Concert”. Ito’y nakatakdang idirek ni Joane Laygo with Mel Villena as musical director habang si Gabby Ramos naman ang creative director.

Ito’y joint production ng Dream Wings Productions and Papin Entertainment Productions at mapapanood at 6pm. Magiging special guests ng singer-politician ang kanyang kaisa-isang anak na si Maffi Papin, LA Santos at dalawang kapatid na sina Gloria at Aileen Papin with an array of special guests na kinabibilangan ng Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales, Andrew E., April Boy Regino, Marco Sison, Eva Eugenio, Claire de la Fuente, Darius Razon, Jovit Baldovino, Sonny Parsons and the Hagibis Band at ang original Jukebox King na si Victor Wood among others.

Ayon sa kasalukuyang president ng KAPPT at vice governor ng Camarines Sur, ang kanyang nalalapit na major concert ay magiging kuwento sa pamamagitan ng iba’t ibang awitin na naging bahagi sa kanyang pagsisimula sa music entertainment industry hanggang sa kasalukuyan.

“This concert is very special to me,” aniya. “Sayang nga lamang at wala na sina Mama at Papa (her parents) to share this important event in my life,” dugtong pa ng Jukebox Queen.

Sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang isang public servant in Camarines Sur, she manages her time na maipasok pa rin ang kanyang singing career at pagiging pinuno ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).

“Hindi madali pero kaya naman,” aniya.

Ricky Reyes judge sa HMU Olympics sa Singapore

Ang beauty czar, TV host at philanthropist na si Mader Ricky Reyes ay siyang muling tinanghal na winner bilang Best Lifestyle Show Host at ang Best Lifestyle Show para sa kanyang lingguhang programa on GMA NewsTV, ang “The World of Gandang Ricky Reyes” sa 33rd PMPC Star Awards for Television.

Hindi personal na natanggap ni Mader Ricky ang dalawang parangal mula sa PMPC dahil nasa Singapore siya para rin sa isang major event, ang 23rd APHCA Hair & Make-up Olympics na sinalihan ng iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific kung saan kasama ang Pilipinas.

Si Mader Ricky ang founder at presidente ng Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association na meron na ring mahigit 20 bansang kasali.

Taon-taon ay ginaganap ang APHCA Hair & Make-up Olympics sa iba’t ibang bansa at sa taong ito ay ang Singapore ang host country na pinamunuan ng Spa & Wellness Association president at APHCA head in Singapore na si G. Edward

Wong.

Si Mader Ricky din ang leader ng Philippine delegation ng mga hairdressers at judges kung saan lima sa mga ito ang nakapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.

Kung ang nga Filipino ay nag-i-excel sa maraming fields sa iba’t ibang bansa, hindi rin nagpapahuli ang beauty industry na pinamumunuan mismo ni Mader Ricky.