PARANG isang happy family sina Aga Muhlach, Janice de Belen at Luigi Muhlach sa isang lara­wan na kuha ng ABS-CBN reporter na si Jeff Fernando..

As we all know, si ­Luigi o Igi Boy ang anak nina Janice at Aga na ngayon ay pamilyado nang tao at may sarili ring career na tinatahak outside of showbiz.

Kuha ang family photo ng tatlo sa opening ng LUMU restaurant sa Greenbelt na pag-aari ni Luigi.

Siyempre, proud pa­rents sina Aga and Janice who remained friends after all these years.

“Of course, I’m super-proud kasi ‘eto ‘yung gusto niyang gawin, eh,” pahayag ni Janice sa kanyang panayam.

Sey naman ni Aga, matagal na siyang proud kay Igi Boy at biro nga niya, ang anak lang niya ang walang bilib sa sarili.

“I just wanna congra­tulate him for the good job!”

Siyempre, thankful­ naman si Igi Boy sa pagdating ng parents at nagkasama-sama silang tatlo sa mahalagang okasyon na ito sa buhay niya.

Samantala, natanong din sina Aga at Janice kung willing din ba silang pagsamahin sa isang proyekto o sa isang commercial tulad nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta at tawa nang tawa ang dalawa.

“Bakit naman hindi? Hindi naman kami magkaaway?” natatawang sabi ni Aga.

Sagot naman ni Ja­nice na natatawa rin, “Oo naman, hindi nga kami magkaaway. Okay lang.”

Alfred, di ikinahiya ang paghuhubad

BIRO ni Alfred Vargas, requirement niya sa dalawang anak na babae (Alexandra Milan, 6 and Aryana Cassandra, 5) na panoorin ng mga ito ang kanyang ‘Kambal, Kari­bal’ serye sa GMA-7.

“Bawal silang manood ng telenovela sa bahay. Pero ‘pag show ko, dapat manood sila,” natata­wang sabi ng representative ng 5th District ng QC.
Noong una nga raw ay nagulat ang dala­wang bagets dahil may ka-partner siya sa serye.

“Sanay sila, ‘yung mommy lang nila ang partner. In-explain ko naman sa kanila, ‘that’s only acting, maybe one day, you’ll also be an actress’. Ganu’n.
“Naintindihan naman nila. Sabi nila, ‘okay, it’s just acting, daddy,’ gumaganu’n na sila.”

Pero ang hindi raw napapanood ng mga ito ay ang mga pelikula niya dahil siyempre, for mature audiences ang mga movies niya.

“Gusto ko ngang ipapanood ang Bridal Shower, joke!” natatawa niyang sabi.

Well, as we all know, noong bata-bata pa si Alfred at wala pa sa politika ay isa rin siya sa hunks ng showbiz at may mga sexy films din na ginawa’t isa na nga ang Bridal Shower. Bukod dito, naglabas din siya ng sexy coffee table book na talaga namang pinag-usapan nang husto that time.

Pero nang pasukin niya ang politika ay isinakripisyo niya ang kanyang bonggang career at nag-concentrate na sa pagiging public servant. Iniwan na niya ang kanyang sexy image lalo pa nga nang magkaroon na siya ng sariling pamilya.

Pero, aniya, hindi niya ikinahihiya ang lahat ng ginawa niya that time dahil hindi naman daw siya magiging Alfred Vargas kung hindi siya pumasok sa showbiz.

Of course, dahil isa rin naman siya sa magaga­ling nating aktor sa industry, hindi naman nawalan ng offers si Alfred kahit nasa politika siya at dahil nami-miss din naman niya ang pag-arte, tumatanggap pa rin naman siya ng paisa-isang TV series at pelikula. Pero aminado siyang talagang choosy na siya sa mga roles na tinatanggap niya dahil na rin sa kanyang pagiging public servant and being a f­amily man na rin.

Sa ngayon, aside from Kambal, Karibal ay ginagawa rin ni Alfred ang pelikulang Men In Uniform with Rayver Cruz, Empress Schuck, Jeric Raval and Rommel Padilla mula sa direksyon ni Buboy Tan.

Kim walang magawa sa pera

IPINOST ni Angelica Panganiban sa kanyang IG Story ang Jo Malone perfume na regalo sa kanya ng BFF na si Kim Chiu pati na ang card na kasama nito.
Kaaliw ang caption ng aktres na, “Wala po siyang magawa sa pera niya. Love you my Chinese Love @chinitaprincess.”

Sa card ni Kim for Angelica ay mababasa ang hand-written message ni Chinita Princess.

“Angge, Belated Merry Christmas, Happy New Year, Chinese New Year, Happy Valentine’s, Happy monthsary! P.S. Thank you for the gift of friendship. Love you,” ang nakalagay sa card na bigay ni Kim.
How sweet!