Sa pagdiriwang ng ika-65 taon ng ABS-CBN this year, kanya-kanyang post ang mga Kapamilya stars sa kani-kanilang social media account ng kanilang pagbati at naging karanasan sa naturang network, kabilang na rin ang mga naitulong nito sa kanila.

Timing naman na may isyung pinagdaraanan ang network ngayon at ito ay ang mabibigat na paratang ng dating singer at kasalukuyang Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc kaya ang post ng mga Kapamilya stars ay maitutu­ring na ring pagdepensa laban sa mga akusasyon.

Isa sa mga nanguna sa pagpapasalamat sa ABS-CBN ay ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.

“Maraming salamat ABS-CBN kayo po ang naging daan kung bakit nabago ang buhay ko buhay ng pamilya ko at buhay ng mara­ming tao. Sa-lamat sa oportunidad na binigay ninyo sakin at sa patuloy na pagseserbisyo para sa lahat ng Pilipino. Ito’y habambuhay kong tatanawin na utang na loob maraming salamat po!!!” ang post ni Coco Martin.

Napaka-meaningful din ng post ni Pokwang kung saan ay ibinahagi niya kung gaano kalaki ang naitulong sa kanya ng network.

“For 15 years bilang kapamilya labis akong nagpapasalamat sa Dios at dinala nya ako sa bakuran ng tahanan na kung saan ay niyakap ako at binago ang takbo ng buhay ko, buhay na akala ko puro pangarap nalang at pasa­kit, mula ng bata pa ako nakikipanood sa kapitbahay kasi walang TV, madalas kong sinasabi sa sarili ko, magiging artista kaya ako? hmp!

“Hindi naman ako maganda hahhaahah kasi kapag artista ka dapat maganda, dapat tisoy at tisay ka, pero noong 2004 hindi man ako tisay na maganda niyakap ng network na ito ang aking talento at binago ang buhay ko at ang buong pamilya ko, salamat, maraming salamat @abscbn.

“Isang malaking pagtanaw ng pagmamahal nyo sakin at sa pamilya ko, MARA­MING SALA­MAT PO…” mahabang pahayag ni Pokwang sa kanyang Instagram account.

Maikli lang ang post ni JM de Guzman pero ramdam mo rin ang sinseridad.
“This ‘network’ saved my life,” ang saad naman ni JM na totoo naman talaga dahil sa ilang beses niyang pagkakadapa, laging ang ABS-CBN ang nagbibigay-daan para makaba­ngon siya.

Kahit bagong Kapamilya pa lang si Ogie Alcasid ay nagbahagi rin siya ng kanyang pasasalamat sa network.

“Ako rin po ay isa ring kapamilya at lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng Abs Cbn at ng lahat ng mga kapamilyang tumatangkilik sa aming mga palabas sapagkat mayroon akong trabaho at nagagamit ko ang kakayahan na ibinigay sa aking ng poong maykapal,” post ni Ogie.

Si Aga Muhlach naman ay nag-enumerate ng kanyang mga naging programa sa ABS-CBN sa loob ng 30 years na pagiging Kapamilya niya.

“Forever family. #okidokidoc #okfinewhatever #thatsmydoc #m3malaymomadevelop almost 30 years of fun and laughter! Will never forget. #forevergrateful,” ang post ni Aga.

Ang iba pang nagsipag-post ng kanilang greetings at pasasa­lamat ay sina Martin Nievera, Sylvia Sanchez, Rowell Santiago, Agot Isidro, direk Andoy Ranay, ang mga news anchors na sina Julius Babao, Karen Davila at Abner Mercado at marami pang iba.