tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Sabi nila, good breaks, luck and great graces come in three’s at mukhang magkakatotoo ang ka­sabihang ito sa Star Ci­nema.

The one film that ruled the box office The Hows of Us, alam na alam na nating ito ang pinakamatagumpay na pelikula ngayong taon na nagpatotoo kung gaano pa rin kasikat sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang una nilang palong-palong pelikula.

Ang sumunod, ang Exes Baggage, kung saan pinagtambal ang real dati at reel partnership nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na bonggang-bongga ang kita sa takilya at pati ang mga kritiko, bet na bet ito.

At tiyak, ang kanilang pangatlong tagumpay, walang halong pagdududa, ang First Love ang next box-office hit and critically acclaimed romantic movie.

How can it go wrong lalo na nga, mula ito kay direk Paul Soriano ang obra, ang bida sina Aga Muhlach at Bea Alonzo, kasama pa sina Albie Casino, Edward Barber and Ms. Sandy Andolong.

Pag-amin ni Muhlach, “Matagal akong di gumawa ng movies because there was no challenge anymore. Nakakalungkot kasi nga I really love doing movies. Kaso, ang offer laging love story and I feel that, lahat nagawa ko kaya I was so scared. It took a year for this project na mabuo kasi nga I don’t want to short change my viewers. I promise every one na dito, lahat mararamdaman niyo, all the joy, the hurt, all sorts of wonderful and painful feelings, mararamdaman ninyo. I guarantee na you will enjoy this film one day the script just happened, ako, parang, tama ba ito, baka di magustuhan ng mga tao, respect for my viewers, I don’t want to short changed them. The pain, the joy, everything, manood kayo, magandang pelikula, ginawa namin ito, maramdaman niyo na you will enjoy this ride.

Ang pangako ni Bea sa mga manood, “Maraming moments ang movie na isa-savor mo. Ang buong pelikula, pasasayahin ka, palulungkutin ka, sigurado akong sina Ali at Nick, when you watch them, parang gusto niyo silang maging friends, maniniwala kayo na may mga kaibigan o kakilala kayong tulad nila.”

Sophie, Jasmine patalbugan sa Kapuso

Kung pelikula ang pinagka­kaguluhan at pinag-uusapan sa Star Magic Kingdom, ka-Siyete Universe naman, may mga bagong shows na ipinalalabas na at pinakikilala.

Andiyan ang Pamilya Roces kung saan may Gloria Diaz ka na, may Elizabeth Oropesa ka pa.

May mga dating ka-Singko prinsesitas na sina Sophie Albert, ang ba­baing may chance na maging Mrs. Vin Abrenica at ang the Curtis who can truly act, pasintabi na lang sa kanyang ate Anne, si Jasmine Curtis. Tuloy ang patalbugan nila sa Kapuso. Kahit paseksihan, kabugan sila. Tingnan niyo naman ang sexy photo ni Sophie sa Montesa, kaakit-akit. Hindi rin pahuhuli si Jasmine sa seksing larawan na nasa Instagram account niya.

Meron ring starlet infested na Asawa Ko, Karibal Ko, kung saan ang mga bida ay damang-dama natin ang presensya at importansya siya sa showbizlandia, sina Kris Bernal, Rayver Cruz, Thea Tolentino, at Jason Abalos.

Ano ba ang taglay na pambihira ni Kris? Siya lang naman ang bukod tanging pinagpala sa lahat kasi nga, sobrang payat niya pero ang kanyang mga suso, busog lusog.

Si Rayver, macho papa na nagpapatibok sa puso ni Janine Gutierrez. Si Thea, being a forever starlet is not enough kaya push kete push pa rin sa the WHO candidate at si Jason, buti na lang naging URIAN best actor, mahusay umarte at mapaghamon ang kanyang katauhan sa serye or else, finality the WHO na siya.

Ikakasa na rin ang kanilang bagong musical variety show, ang Studio 7.

Kabilang rito ang Bautista romantic balladeers at crooners, sina Christian at Mark Bautista kasama rin sina Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez, ang mga bagong Kapusong sina Rayver Cruz at wonder twins Cassy at Mavy Legaspi.

Ayon sa pralala, go for gold rin rito sina Super Tekla at Donita Nose pati na rin ang top five Clashers.

Kung kailan putok na putok ang balitang magiging Kapamilya na si Regine Velasquez-Alcasid saka biglang nagka-Studio 7, huh!