Kabilang sa pelikula ng T-Rex Entertainment na ‘Class of 2018’ ay sina Aga Arceo, Renshi de Guzman, Lara Fortuna at Hanna Francisco.

Dumalaw sila sa prog­ramang Showbiz Pamore Tonite, online show ng Abante Tonite. Co-hosts namin sina Rodel Fernando at Rommel Placente.

Tinanong ang kanilang showbiz crushes, si Daniel Padilla raw ang hinaha­ngaan ni Hanna, si Lara naman ay Donny Pangilinan, samantalang si Aga ay si Andrea Torres at Andrea Brillantes kay Renshi.

Kumusta katrabaho ang mga bida sa nasabing pelikula na sina Nash, Sharlene, CJ , Kristel at Kiray?

Lara: ‘Yung pakikipagtrabaho sa kanila hindi mo mararamdaman ang pagod kasi ang saya lang sa set lalo na si Ate Kiray parang hindi siya nauubusan ng energy, nang-aasar siya. Kuwela lang sa set namin.

Hanna: Working with them nakaka-pressure sa umpisa kasi napapanood lang namin sila sa TV. Then nu’ng nakatrabaho ko na sila hindi naman pala kasi sila pa ang tutulong ituro sa amin ‘yung different way of acting. Nag-build ‘yung friendship.

Ano ‘yung pieces of advice na natutunan nila sa mga bida ng nasabing pelikula? Aga: Sabi sa akin nina CJ at Nash, seryosohin daw po ang acting. May time ng biruan pero pagdating sa work focus na.

Renshi: May mga scene po kasi na mahirap, kapag nakikita po nila na medyo hirap ako ina-advise po nila ako kung anong dapat gawin. Sabi nila “kaya mo ‘yan. Wag mong ikumpara ang pag-arte mo sa iba.Gawin mo sa sarili.”

Bukod sa mga kasamang artista sa Class of 2018, sino pa ang gusto nilang makatrabaho?

Hanna: Ang Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla). Sila po talaga ‘yung nilu-look up kong love team at sila ‘yung ginagawa kong motivation.

Lara: Si Ate Kim Chiu po hindi dahil sa maraming nagsasabi na magkahawig kami. Nagagalingan ako sa kanya lalo na nu’ng napanood ko ‘yung movie niya na Ghost Bride.

Aga: Si James Reid kasi parang ang gaan niya lang kasama at nabibitbit niya lahat ng kasama niya sa trabaho ng solid lang.

Renshi: Carlo Aquino po. Nagustuhan ko siya sa pelikulang Goyo.