Aga tinanggihan si Lea

NI: MILDRED BACUD

Magkakaroon muli ng Bayanihan Musikahan concert si Lea Salonga this coming Friday. Ito ay para makalikom ng pondo na maibahagi sa mga frontliner at apektado ng COVID-19.

This time ay special guests niya sina Eric Santos at Ice Seguerra.

Marami ang nag-react sa tweet na ito ni Lea at nagtanong sila kaagad kung may special appearance din daw ba ang dating ka-loveteam na si Aga Muhlach.

Tweet ni Lea na may tono ng pagkadismaya ” Sa mga fans ng #LeAga,huwag nq kayong umasa na may bibisita.We actually invited. Ang OA, ayaw magpakita.”

Iba iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa tweet na iyon ng Broadway Diva.

Ano naman daw ang gagawin ni Aga sa kaniyang concert,hindi naman daw ito kumakanta.

Bash pa ng isang netizen, “Tinatanong ba naman ng fans?He is not even a singer.Delusional kay Aga itong si Tiyang Lea.”

May nagkomento naman na bilang may pinagsamahan ang dalawa hindi naman daw kailangan kumanta si Aga sa nasabing online concert, pwede naman daw ipakita ang suporta sa pagbibigay lamang ng mensahe.

Dalawang beses nagsama sa pelikula sina Aga at Lea, Bakit Labis Kitang Mahal no’ng 1992 at Sana Maulit Muli taong 1995.Bagaman hindi nagkaroon ng relasyon ay naging espesyal ang pagtitinginan nila no’n. Hanggang ngayon ay may mga fan silang umaasa na magkaroon sila ng reunion movie.