Kritikal ang isang obrero makaraang saksakin ng dating nakaaway sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Under observation sa FEU hospital sanhi ng tinamong malalim na tama nang saksak sa likod ang biktimang kinilalang si Roberto Balero y Conge y 31, binata ng No.341, Saint Michael St., Area 6-B, Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit ng nasabing lungsod.
Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Elmer Ulo, ng Bicol St., Republic Avenue ng nasabing Barangay.
Ayon kay SPO2 Terixon Galuno, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Sto Rosario St., Creek, Brgy. Holy Spirit, Quezon City habang nanonood ng cara y cruz ang biktima sa isang lamay sa nasabing lugar.
Bigla umanong dumating ang suspek at kinompronta ang biktima kaugnay sa dati nilang naging away at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng balisong ang suspek at tinarakan sa likod ang biktima.