Agawan sa customer ang sanhi nTg pag-aaway ng dalawang hairstylist na nagsabunutan pa sa loob ng pinagtatrabahuhang parlor Huwebes ng hapon sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District, inaresto ng mga Barangay Security Force ng Palatiw si Jun Balucanag y Quirante, 31, hairstylist matapos ireklamo ng pananakit ni Ailene Cabalod y Pesado, 34, single, hairstylist/manicurist, kapwa taga-Pasig City.

Naganap ang insidente alas-tres Huwebes ng hapon sa loob ng Epitome Salon sa MH Del Pilar St., Brgy. Palatiw nang magtalo ang dalawang hairstylist.

Nagkapikunan ang dalawa nang makitang inaayusan ng isa ang re­gular customer na nauwi sa sabunutan. Ayon sa mga kasamahan sa parlor, may matagal nang ali­tan ang dalawa. Minsan ay nauuwi sa parinigan at dabugan kung saan ay pinapagalitan na sila ng kanilang supervisor. (Vick Aquino)