‘Agimat’ maayos na ang lagay – Jolo

Maayos na umano ang kalagayan sa ospital ni dating Senador Ramon Revilla Sr., o mas kilala bilang ‘Peping Agimat’ ayon sa apo nitong si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla.

“Sen. Ramon Revilla Sr. Daddy is now in stable condition and we are hoping for his speedy recovery,” pahayag ni Vice Gov. Jolo sa kanyang Facebook post kasabay ng pasasalamat sa mga nagdasal sa kanyang lolo.

“Maraming salamat po sa inyong mga dasal para sa aking lolo, Sen. Ramon Revilla Sr. Daddy is now in stable condition and..,” saad pa nito.

Ginawa ng bise gobernador ang kanyang post ilang oras matapos ihayag ng kanyang amang si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na nasa kritikal na kondisyon.

“Let’s continue praying for one another, for our families and loved ones, as we go through this pandemic,” sabi pa ng Cavite vice governor.

Isinugod noong Linggo ng gabi sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor, Cavite ang matandang Revilla matapos mahirapan sa paghinga nito.

MUla sa St. Dominic Medical Center, inilipat ito sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig, kung saan kinabitan ito ng ventilator. (Dindo Matining)