Inuga kahapon ng umaga ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Philippine Institutes of Volcanology and Seismology-Region 1 (PHILVOLCS-R1).
Ayon sa PHILVOLCS-R1, naitala ang pagyanig sa layong 94 kilometer southwest ng Agno alas-8:23 kahapon ng umaga.
Sinabi ng ahensiya, may 21 kilometer ang lalim ng ikalawang pagyanig at tectonic din ang origin ng nasabing lindol.
Ayon sa PHILVOCS-R1, wala namang naitalang intensity ang dalawang pagyanig at wala ring inaasahang mga aftershock. (Allan Bergonia)