Agot nagpasaring sa ‘no touch’ kay Digong

Ang daming natawa sa tweet ni Agot Isidro tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ini-retweet ng aktres ang balita ng ABS-CBN na “no touch” daw muna kay Digong at mahigpit ding ipinagbabawal ang paglapit sa Presidente dahil nga sa CoVid-19.

Sa caption ay nagbiro si Agot na may halong pasaring din.

“Paano mahahawakan, eh di nga makita?” ang caption ni Agot.

Sa comments section ay puro “hahaha” ang mababasa mo but at the same time ay marami ring um-agree sa aktres.

Noon pa ay kilala nang anti-Duterte talaga si Agot at walang takot niyang tinutuligsa si Digong, dahilan para hangaan ng marami ang kanyang katapangan.

Ito rin ang dahilan kung bakit naba-bash siya nang bonggang bongga ng mga DDS (die-hard Duterte supporters) pero wala siyang pakialam .Patuloy pa rin sa pagbanat hindi lang kay Digong, kungdi sa mga ipinaglalaban niyang alam niyang tama.

Vice humingi ng tawad sa pagkatsugi ng GGV

Sa finale episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday ay naging emosyonal si Vice Ganda habang nagpapasalamat sa mga televiewers na sinamahan siya linggo-linggo sa loob ng 9 na taong pagsasaere ng show.

“Maraming, maraming salamat po sa inyo. Ang laking achievement na magkaroon ng programang ganito na ‘Gandang Gabi Vice’ na ako ‘yung host.

“It was just a dream. Nine years ago I was given a chance to host my own show, ‘Gandang Gabi Vice’ and we were promised to air the show only for one season, for ilang weeks lang ‘yun.

“And then, nung last day ng first season, nagulat kami na sinabi extended daw ng another season. Hanggang sa nagulat tayo, nine years na ang Gandang Gabi Vice. Hindi lahat, humahaba nang ganun, hindi ba?” sey ni Vice.

Pagkatapos nito ay inanunsyo ng comedian/TV host ang kapalit na show na siya pa rin ang host.

Tulad ng naisulat na nga namin dito, sa finale episode ay si Raffy Tulfo ang guest and because of him, ani Vice, “we saved the best for last.”

Nag-apologize rin ang comedian/TV host sa lahat ng mga na-offend niya sa show.

“I am not perfect, the show is not perfect. Sigurado ako, may mga pagkakataon na na-o-offend namin kayo, ang mga nakasanayan ninyo o ang mga paniniwala niyo sa buhay, o ang mga trip ninyo o hindi n’yo trip ‘yung ginagawa namin, we apologize. Wala po kaming intensyon na masama pero maraming salamat pa rin, this is a very big blessing. Mabuhay tayong lahat,” sey pa ni Vice.

Heart kinansela ang fashion week trip

Ikinansela pala ni Heart Evangelista ang kanyang travel for fashion weeks at ito raw ang dahilan kung bakit absent siya sa mga nasabing events held recently.

Tweet ni Heart, “for those of you asking or concerned, I’ve decided last January to cancel all of my fashion week trips for safety reasons . That’s why I was absent during fashion week. I pray for everyone’s safety. God bless us all.”

Hindi naman sinabi ni Heart kung may kinalaman sa CoVid 19 ang pagkansela niya ng kanyang mga trips.

Ang huling fashion week na dinaluhan ni Heart ay ang Paris Fashion Week noong Enero kung saan ay dumalo siya sa Chanel fashion show.