Tiniyak ni Senador Loren Legarda na mayroong nakalaan sa 2019 national budget para sa sektor ng agrikultura sa bansa, partikular na rito ang libreng irigasyon ng mga small-scale farmer bilang prepasyon sa El Niño.

Kasunod ito ng ulat ng Phili­ppine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na higit na makararanas ng tagtuyot ang ilang probinsya sa bansa dahil sa inaasahang mababang tsansa ng pag-ulan sa mga susunod na buwan.

Ayon sa senador, malaking­ tulong ang pondong nakala­an para sa mga magsasaka para maiangat ang kahirapan sa sektor ng pang-agrikultura lalo na ng mga magsasakang kabilang sa pinakamahirap na mamamayan.

“This will be a big boost for the agriculture sector as we have unburdened our small farmers, who are among the poorest of the poor even if they are the ones who feed the nation,” sabi ni Legarda.

Sa tulong din ng Free Irrigation Service Act o Republic Act No. 10969, sinabi ni Legarda na mae-exempt ang mga maliliit na magsasaka sa pagbabayad ng irrigation service fees mula sa irrigation system ng National Irrigation Administration.

“Even before the enactment of this law, the government has already subsidized irrigation service fees being paid by spmall farmers to the NIA through our intervention in the General Appropriations Act,” paliwanag ni Legarda.

Tulad noong taong 2018, nasa P2.6 milyon ang pondo na ilalaan sa mga magsasaka ngayong 2019 habang P2.114 million namang subsidiya para sa iba pang operasyon ng mga magsasaka.