Aguiluz, mas major-major na pangabog

alden-richards

ANG paglipad nina Pagaspas at Lakan, mga Mulawin na ang magbibigay-buhay ay si Miguel Tanfelix at Alden Richards, ay makatulong nawa para pumagaspas sa ratings game ang tila hindi mas­yadong paboritong Encantadia.

Si Miguel ang gumanap na batang Pagaspas dati.

Ang tila hindi pumapagaspas at parang nabantilawan ay ang kanyang karera na aminin nating kahit paano, nagparamdam ang estrella nu’ng siya si Niño.

Ang mga sumunod niyang attempts with his current ka-loveteam na si Bianca Umali, ‘kakahikab ang mga kaganapan.

Kung bakit biglang nag-iba ang state of his career, look na lang ako sa sky at itatanong ko sa buwan with a monotone voice ala Ms. Jaclyn Jose.

***

Tutal, ibinalik nila si Pagaspas… bakit si Lawiswis, walang comeback?
Ano na ba ang nangyari sa promising kid dating si Sam Bumatay?
Finality the WHO na siya, huh?!

***

alden-richards
           ALDEN RICHARDS

First time ni Alden na maging taong ibon at nawa’y ang mga nagmamahal sa pambansang bae, may panahon para panoorin ang kanilang i­dolo sa telefantasyang luhaan.

Kung ang presensya ni Alden bilang Lakan adds stellar power at boost sa ratings of the show, winner!

Kung walang mangyayaring movement sa ratings scale, i-request na dapat agad na mawala agad si Lakan sa eksena.

Baka mahila pa ang karera ni Alden pababa dahil sa istarletita populated na fantaserye.

***

Mas bongga siguro kung ang orihinal na lalaking ibon na si Richard Gutierrez bilang Aguiluz ang kinuha nilang special guest.

Mas major-major na pangabog ‘yun.

Yummy na yummy pa rin si Chard at keribels niya pang gawin ang role.

***

O kaya, naglambing sila kay Angel Locsin, na kahit one week’s worth of episodes, bilang Alwina.

Magandang move for Locsin na maging babaitang taong ibon at ibaon muli ang kanyang ugat pak.

Pagpapakita ito na tumatanaw siya ng utang na loob sa dati niyang network.

After all, hindi siya magiging Angel Locsin, if not for taong ibong-serye kaya siya naging household name and one time, big time reyna of the ka-Siyete.