Aguinaldo binambo ni Salado, Arellano

Mga laro sa Miyerkoles:
(FilOil Flying V Arena, San Juan)
12 nn. – MU vs CSJL
2 p.m. – UPH vs AU
4 p.m. – SSC vs CSB

Pumukpok ng double-double na 24 points at 11 assists na may rekado pang 4 rebounds, at 1 steal ang mala-pusa sa liksing guard na si Kent Salado upang pamunuan ang Arellano University sa pagboga sa Emilio Aguinaldo College, 86-77, sa 95th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament first round eliminations Biyernes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

“Parang ako yung pinakamatanda diyan e, puro rookie kasama namin kaya sinasabi ko sa kanila na, maglalaro lang ako nang maayos,” ani ni Salado. “Sa akin lang kasi depensa lang kami nang maayos. Alam naman natin kung saan tayo natatalo e. Yung score, darating rin naman. Dapat kapag nasa loob tayo dapat alam ninyo kung ano role niyo dyan.”

Tatlo pa niyang kakuwadra ang mga nagmaso ng 10 points above para tuldukan ng AU Cheifs ang three lospsided losses at hilain sa ilalim nila ang biniktima sa 1-4 sa pangatlong dikit nitong semplang sa
10-team tournament.

Nawalang saysay ang pabida sa Generals ni JP Maguliano na gumatilyo ng 26 pts. at 14 boards. Pinilit niyang maibangon ang EAC tapos malubog sa 47-36. (Aivan U. Episcope)