Nilinaw ni Senator Richard Gordon kahapon na hindi pa ligtas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa posibilidad na pagkakadawit sa nabulgar na P50 milyon bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Ngunit ayon kay Gordon, chairman ng blue ribbon committee, hindi naman makatarungan at tama na agad na husgahan ang kalihim dahil nagsisimula pa lamang at magpapatuloy pa ang kanilang imbestigayon.
Ipinahayag ito ng senador dahil na rin sa batikos ng ilang kritiko na maaring mauwi rin sa wala ang naturang imbestigasyon at walang mapapanagot.
Aniya, hayaan muna umanong gumulong at patapusin ang kanilang imbestigasyon.
Panawagan pa ng senador sa mga kritiko na pagtuunan ng pansin ang mga lumabas na impormasyon at ebidensiya sa kanilang pagdinig at kung may maitulong umano sa kanilang imbestigasyon ay makipagtulungan sa kanila.
Sa darating na Martes, Enero 31, muling tinakda ang pagdinig sa usapin. Inaasahan dadalo si Ret. PS/Supt. Wenceslao ‘Wally’ Sombero, tumatayong middleman ng Chinese casino mogul na si Jack Lam.
Sa unang pagdinig ay inamin mismo ni Aguirre na pinakiusapan umano siya ni Sombero na maging ‘ninong’ ni Lam.
HAHAHAHA…..BINALIGTAD NA PO……
Gordon abogado ni AguiWIG sa Senado….
ayon kay Gordon, chairman ng blue ribbon committee, hindi naman makatarungan at tama na agad na husgahan ang kalihim dahil nagsisimula pa lamang at magpapatuloy pa ang kanilang imbestigayon.
pero pag hindi kaalyado ng administration ang iniimbistigahan nyo may husga na agd kayo kagaya ni De Lima at Motabato.
kaya gordon hinusgahan,dahil ikaw ang humawak,ikaw gordon ang isang tagalinis sa senado ng isang malaking sindikato sa pilipinas na pinamumunuan ni sayad.matagal ka ng bistado
Bakit laging may iniiwasang imbestigahan ang mga Senador sa pagtatanong? Nasaan nag mga bastos na Kongresista na sipsip sa Admin??? Bakit sila nananahimik ngayon???
Walang maaasahan sa senado dahil marami sa kanila nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan na lang huwag lng mahalungkat ang mga kaso dahil sila mismo ay ayaw na lumabas ang katotohanan.
Sapul na sapul mo.
Bilang isang mataas na opisyal ng pamahalaan na inalok ng suhol, bakit hindi pinahuli at kinasuhan ni AguiWIG si Sombero at Lam nung siya ay tinangkang suhulan? At bakit siya nakipag meeting sa labas ng opisina niya sa DOJ sa mga taong sangkot sa human trafficking, illegal gambling at non payment of taxes? Malabo ang script na inilalahad ni AguiWIG sa hearing. At bakit pumiyok lang si AguiWIG sa pagtangkang panunuhol daw sa kanya nung lalabas na ang expose I Tulfo? At ang mga magagaling na Senador natin, tinanong yung dalawang BI agent kung bakit sila nakipagmeeting sa labas ng kanilang opisina pero tameme sila sa ganoong ginawa ni AguiWIG?
That’s what you call “CYOA” – cover your own a$s!!
Nanghihingi ng dagdag gusto gawin 100 Milyon kaya hindi muna kinakasuhan. Nyahahaha