Aguirre hihingan ng dagdag na paliwanag

Richard Gordon

Hindi man direktang itinuro sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI), hihingan pa ng dagdag na paliwanag ng Senate blue ribbon committee si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kaugnay sa indirect bribery na inalok sa kanya.

Ayon ito kay Senador Richard Gordon, chair ng komite kaugnay pa rin sa isa pang pagdinig na gagawin ng komite sa naturang eskandalo sa Marso 2.

Nakaapat nang pagdinig ang komite at sa naturang pagdinig ay kumbinsido na ang komite ukol sa pang-extort o pangingikil ng dalawang dating associate commissioners ng Immigration associate commissioners na sina Al Argosino at Mike Robles.

Sinabi ni Gordon na may butas at missing link pa silang nakikita kaya’t magsasagawa pa sila ng isang pagdinig.

Isa na rito ang dagdag pang paliwanag ni ­Aguirre kaugnay sa kanyang naging reaksiyon sa indirect bribery na inalok sa kanya ni Wally Sombero, ang middleman ni Chinese gambling tycoon Jack Lam.