“Nakakagulat at walang basehan”.
Ganito ang naging reaksiyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos na isama ang kanyang pangalan sa isinampang “crime against humanity” laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC).
“Initially, I found the filing of the case amusing. Not only are the allegations contained therein utterly false, they are purely hearsay,” ayon kay Aguirre.
Una nang isinampa ang kaso kay Aguirre ni Atty. Jude Sabio, legal counsel ng confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato.
Ganunpaman, nakatitiyak umano si Aguirre na hindi paniniwalaan ng ICC ang alegasyon ni Matobato kay Pangulong Duterte kaugnay sa pagkakasangkot nito sa extrajudicial killings, dahil hindi kapani-paniwalang testigo si Matobato.
Hindi ako naniniwalang nagulat ka sa ICC dahil ang alam ko kapag nagulat kay nahuhulog ang wig mo. wahahahaha.
ano pang klase ng basehan ang hinahanap ma patay araw arawo, yun bang mga nakakalat n patay araw araw ay di pa sapat n basehan.