Inaresto ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Agusan Del Norte Police si Jabonga, Agusan del Norte Vice Mayor Glecerio Monton matapos makuhanan ng 60 gramo ng shabu.
Isa umano si Monton sa mga high value target ng pulisya, nakuha sa kanya ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000 at isang granada.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:55 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa bahay ng bise alkalde sa P-4 Brgy. Poblacion ng bayang ito, dala pa ang search warrant.
Nakakulong si Monton sa Agusan Del Norte PPO detention cell habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms and explosives.