Ahaserang talent manager lagot

Galit na galit ngayon ang isang baguhang talent manager dahil nabisto niya na ang kanyang kaibigang manager ay direktang kumukontak sa kanyang mga alaga.

Nakikipag-date pero ang palaging babala ng ahaserang talent manager ay huwag sabihin sa manager nito na nagkikita sila.

‘Yung ibang talent na nakipagkita ay tumupad siyempre sa babala ng ahaserang manager. Pero nabuko lately nang pumiyok ang isang bagong talent. Pinabasa nito mismo sa kanyang TM (talent manager) kung ano ang itinext ng ahaserang manager sa kanya.

Umuusok ngayon sa galit si TM. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya pag nagkita sila.

Kilalang palaban si TM kaya tiyak na may kalalagyan ang ahaserang manager. (Timmy Basil)