Natagpuang patay ang isang ahente ng baka matapos na ito ay pagbabarilin ng di nakilalang salarin sa Santa Cruz-Calumpang road, Sitio 5, Brgy. San Juan, Santa Cruz, Laguna kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Petronillo Dayo.
Base sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima noong Martes ng gabi na nasa isang waiting shed mga 200 metro ang layo sa kinatagpuan ng bangkay nito.
Batay sa pahayag ng mga testigo, pinasakay ng suspek sa kanyang motorsiklo ang biktima at dinala sa lugar ng krimen at doon pinagbabaril.
Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
patuloy pa ang imbestigsyon ng mga pulis at inaalam ang motibo sa krimen.