Pinakaba ni Ahn Jae Hyun ang mga fan niya . Ito’y dahil sa recent post niya sa kanyang Instagram account.
Nag-post si Ahn Jae Hyun ng picture niya na nilagyan ng drawing ng cat ears at whiskers. Saka caption na, “Please forget me.”
Ilan sa mga fan ang naniniwala na ang post na ‘yun ng actor ay tila paghingi ng pansin o pagsaklolo. Kamakailan lang ay umamin itong inaatake ng depression.
Pero ilang netizens naman ang naniniwala na ang tinutukoy ni Ahn Jae Hyun sa post niya ay ang ex-wife nito na si Goo Hye Sun. Dumaan kasi sila sa diborsyo.
Narito ang ilan sa comment ng mga fan sa post ng actor na may pag-aalala, “You’re okay, right?”
“He’s signaling for help. Please stop writing malicious comments and support him”
“Please forget your past and look forward to tomorrow with hope~”
“Why should I forget you I can never forget you.”
Sana raw, kung ano man ang pinagdadaanan ng actor, makakuha ito ng inspiration at motivation sa mga messages ng kanyang mga fan.