PROUD si Ai Ai delas Alas sa pagpayat niya dahil sa pagkain niya ng mga organic na pagkain.
Ani Ai Ai, “Ngayon ko lang ni-reveal at baka makatulong din kasi sa ibang tao.
“Nu’ng 15 years old pa lang ako, may Psoriasis na ako.
“Everytime nag-flare up ang Psoriasis ko, umiinom ako ng anti-biotics. Akala ko kasi, may sakit ako, may lagnat, may ubo, may hika. Na-realize ko, sa food pala.”
Dahil sa kakakalkal niya sa internet, nalaman niya na dapat mag-stick lang siya sa mga organic na pagkain, at hindi na babalik ang naturang sakit.
“Doon ko nalaman sa food… na dapat no meat, no dairies, no sugar especially na sugar na puti na naka-aggravate sa kanya, ‘yung refined.
“Iyun talaga ang number one niya na kaaway, eh,” pakli ng Comedy Queen.
Kaya karamihan ay mga isda at gulay na ang kinakain niya.
Nakausap niya ang doktor niya at sinabi sa kanya na ituluy-tuloy na niya ito, hindi na babalik ang Psoriasis.
“Sabi ng doktor ko rin kasi, mag-all organic ka. Huwag ka masyadong nagkakakain ng may preservatives,” dagdag pa niyang kuwento.
Gamay na niya ngayon kung ano ang kinakain niya dahil meron na rin siyang nakitang cook book sa internet ng mga organic na pagkain at iyun na ang sinusunod niya.
Sa loob ng limang buwan, 20 pounds na ang nawala sa kanya at kapansin-pansing maganda ang pagpayat niya.
Nilinaw niyang wala siyang ipinaretoke kundi pumayat lang siya talaga.
Kaya seksi-seksihan ang Ai Ai sa ibang costume na isusuot niya sa anniversary ng Sunday Pinasaya na mapapanood sa September 4 at 11.