LAGARE kami noong Biyernes sa dalawang concert.
Una naming pinuntahan ang Kahapon… Ngayon ni Martin Nievera sa KIA Theater sa Cubao, Quezon City kung saan guests niya sina Zsa sa Padilla at Noel Cabangon.
Maaga pa lang ay puno na ang KIA Theater, kaya panay na ang pangko-congratulate ng mga taga-Polyeast Records kay Martin.
Under contract si Martin sa Polyeast at sila ang naglabas ng Kahapon… Ngayon album ng singer/TV host, pero first time nilang magprodyus ng concert.
Ang biro ni Martin sa mga taga-Polyeast, kahit ano ang mangyari, hindi puwedeng makalimutan na siya ang unang pinagprodyus ng concert ng nasabing recording company.
“But kidding aside, I’m so happy because the proceeds of this concert will go to a very, very good cause.”
“Because this event is for the benefit of the Philippine Chinese Charitable Association, Inc. and Philippine Red Cross Quezon City,” pahayag ni Martin.
Nang paalis na kami sa KIA Theater para sumilip sa first night ng Ayokong Tumanda birthday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa Greenhills, San Juan, nakita namin sa lobby ng KIA Theater si Jed Salang.
The who si Jed Salang?
Siya ang ex-husband ni Ai Ai delas Alas. Kahit paano, nagkapangalan ang ex-varsity player ng Colegio de San Juan de Letran.
Nakakatsikahan na namin si Jed noon pa man, kaya biniro namin siya at sinabing sa Setyembre 17 ay may concert naman si Ai Ai sa KIA Theater.
“Manonood ka rin ba ng concert na ito?” tanong namin sa kanya sabay turo ng pagkalaki-laking tarpaulin ng Ai Meets Lani (Lani, May Ai?) concert na naka-display all-around KIA Theater lobby.
Napangiti lang si Jed sa pagbibiro namin sa kanya.
***
Pagdating namin sa Ayokong Tumanda concert ni Ogie sa Music Museum, dinatnan namin ang singer/songwriter na kumakanta at ka-duet ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid na guest sa two-night concert ng mister.
Tsumika-tsika lang kami sandali at nang makuha na namin ang complimentary tickets for the entertainment press, nagpaalam na kami.
Noong mismong birthday ni Ogie noong Sabado namin pinanood ng buo ang Ayokong Tumanda concert.
Nang paalis na kami, nakita namin si Ai Ai sa lobby ng Music Museum.
“JL!” bati sa amin ng tinaguriang Comedy Concert Queen.
“My gosh, ikaw naman ang nakita ko rito. Kanina naman kasi sa KIA Theater, ang ex mo ang nakita ko,” kuwento ko kay Ai Ai.
In fairness, mukhang naka-move-on na talaga si Ai Ai sa bad separation nila ni Jed dahil hindi mo siya kakikitaan ng pagkairita sa pagbanggit namin tungkol sa kanyang ex.
Ikinuwento ko kay Ai Ai na biniro ko pa si Jed kung manonood ito ng Ai Meets Lani at itinuro sa ex-husband niya ang malaking tarpaulin ng concert nila ni Lani Misalucha.
Eh, sobrang happy na rin naman kasi si Ai Ai sa piling ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan, kaya natural lang naman na hindi na siya kakikitaan ng galit kapag nababanggit si Jed, ‘noh?!

Kung makikita mo sina Ai Ai at Gerald tuwing magkasama sila, sobrang happy sila.
Kapag katabi si Gerald, in love na in love ang dating ni Ai Ai at gayundin ang hitsura ng kanyang boyfriend.
Ang maganda pa kay Gerald, napakasimple nito. Hindi mo siya kakikitaan ng yabang!
Anyway, tungkol sa concert nila na Ai Meets Lani (Lani, May Ai?), excited na si Ai Ai sa pagdating sa bansa ni Lani Misalucha dahil gusto na niyang magkasama sila sa rehearsals.
Sa ngayon kasi, marami na silang napag-uusapan ni Lani para sa kanilang concert tuwing nagbi-video chat sila, pero pagbalik pa lang ni Lani sa ‘Pinas sila makakapag-rehearsal.
“Pero excited na ako. Biruin mo, ang galing-galing ni Lani na kumanta, kaya kapag hindi ko kinaya na makipagsabayan sa kanya pagdating sa kantahan, na for sure, hindi naman talaga, kung anu-ano na lang ang gagawin ko.”
“Hahaha!” natatawang pahayag ni Ai Ai.