tonite-imo-vinia-vivar
Nilinaw ni Ai-Ai ­delas Alas na hindi photoshopped ang ipinost niyang larawan sa kanyang Instagram ­account kung saan ginaya niya ang daring pose sa isang magazine cover ng American singer/actress na si Jennifer Lopez na “almost ­naked.”

Sa nasabing magazine cover ni JLo ay nakasuot lang ng green cape ang singer/actress na naka-side view at exposed ang side ng buong katawan pati na ang boobs.

Ginaya ito ni Ai-Ai at red cape naman ang kanyang suot at ­natalbugan pa nga niya kung tutuusin si JLo dahil mas malaki ang kanyang boobs.

Sa comments section ay marami ang naghinala na photoshopped ang picture niya dahil parang idinikit lang daw ang ulo sa ibang katawan.

“Ako talaga ‘yun,” pag­lilinaw ni Ai-Ai nang matanong tungkol dito sa pocket presscon ng “Hitmakers and Ai” post-Valentine concert.

“Akala nila, photoshopped. Kasi, ‘yung leeg kasi, ‘di ba meron akong parang dito (sa leeg), so akala nila, hindi ako ‘yun. Ako talaga ‘yun. Hindi ‘yun photoshopped.”

Nagpa-pictorial daw siya talaga at ang magaling na photographer pa na si Edward dela Cuesta ang kumuha nito.

Pero ang kaibahan nga raw ng pictorial nila ni JLo, meron daw siyang suot na bra at body stockings samantalang ang American singer/actress ay kitang-kita na wala tala­gang bra at panty.

“Kasi, hindi ko naman kaya. Si JLo nga, walang bra do’n, eh. Hindi naman. Gusto ko lang siyang kumpetensiyahin,” natatawang sabi ni Ai-Ai.

Tawa rin naman nang tawa ang dalawang Hitmakers na katabi niya na sina Hajji Alejandro at Marco Sison.

Anyway, first time ni Ai-Ai na makasama sina Hajji at Rey Valera sa isang concert habang si Marco naman ay madalas na raw niyang nakakasama.

Too bad, tatlo na nga lang ang Hitmakers ngayon at wala na si Rico J. Puno na dapat ay kasama talaga sa concert na ito dahil buhay pa ito nang binuo ang konsepto.

Originally ay Feb. 13 ito gaganapin dahil birthday daw ito ni Rico at plano sana nilang sorpresahin sa araw mismo ng concert at kakantahin nila ang mga hit nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi na nga inabot ng singer at yumao ito noong Oktubre last year.

Sa Feb. 15 na gaganapin ang “Hitmakers and Ai” sa Newport Performing Arts Theatre in Resorts World Manila pero tuloy pa rin naman ang plano na bibigyan nila ng tribute si Rico J. Produced by Starmedia Entertainment.
****

Alden gagawa ng milk tea, cookies sa Chinese New Year

Tuwang-tuwa si ­Cookie Yatco ng Cookie’s Peanut Butter sa matagumpay na webisodes ng kanilang celebrity endorser na si Alden Richards kasama si Chef Anton Amoncio kung saan nag­luluto sila ng iba’t ibang mga healthy at easy-to-do na mga putahe gamit ang naturang peanut butter bilang pangunahing sangkap.

“Game na game sina Alden at Chef Anton nu’ng nagsu-shooting kami ng ­aming webisodes,” kuwento ni Cookie.

“Ang sarap nilang katrabaho lalong-lalo na si Alden. Very professional siya at ­sobrang gaan niyang kasama. Wala siyang ka-ere-ere sa katawan. Kahit inabot kami ng mada­ling-araw sa work, ang taas-taas pa rin ng energy niya at very accommodating siya sa mga kasamahan namin.”

Fourteen episodes ang ginawa nina Alden at Chef ­Anton at talagang super sarap ang mga recipe na kanilang inihanda sa mga manonood. Nagluto sila ng iba’t ibang mga sandwich, mga panghimagas, at siyempre ang isa sa mga personal na paborito nina Alden at Cookie, ang Kare-Kare.

Para sa darating na Chinese New Year, may bagong episode sina Alden at Chef Anton kung saan gagawa sila ng milk tea at cookies.