Ni: Rona Ronda

Isiniwalat ng comedy actress na si Ai Ai delas Alas na minsan na rin siyang naging “kabit”. Ikinuwento niya ito sa batikang reporter na si Ricky Lo.

Ang kanyang confession ay ibinahagi ng reporter sa kanyang Instagram nitong Martes, Oktubre 29.

Ani Ai Ai, “Oo, parang ang bigat bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot. Hindi ka na maging masaya.”

Umabot din pala sa halos pitong taon ang naging relasyon niya sa lalaking may asawa na. At sa puntong iyon ng kanyang buhay, marami siyang natutunan na maibabahagi niya sa mga taong pinili na maging kabit.

Payo niya sa mga mistress at nagbabalak na pumasok sa buhay ng may asawa, “Hangga’t maaari, kung puwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi siyempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha nu’ng legal na asawa, ‘yun iyong pagbabayaran mo.”

Aminado rin ang comedy-actress na dahil sa ginawa niya ay marami siyang bagay na pinagbayaran. Ito ang naging consequence sa pagiging kabit niya. Gayunpaman, ang mahalaga ay pinagsisihan ni Ai Ai ang ginawa niya.